Thursday, April 1, 2021

Rabiya Mateo may panawagan sa Pinoy pageant fans: "Vote for me"

 


May apela si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa mga Pinoy pageant fans. Sa isang video ay hinikayat niya ang mga Pilipino na iboto siya sa magaganap na botohan sa Miss Universe.

Kumpirmado naman na may botohang magaganap. Ang number one sa voting ay automatic na papasok sa Top 21.

Screenshot of Miss Universe Official, the official Miss Universe app as seen in App Store.

"Ilang tulog nalang, Miss Universe na. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagpapakita't nagpaparamdam ng kanilang pagmamahal at pagsuporta," panimula ni Rabiya.

"Gusto ko sanang manawagan sa sambayanan na sana po iboto niyo ako sa kompetisyon namin for Miss Universe para ma secure ko 'yung spot ko sa Top 21," dagdag niya.

Screenshot of Miss Universe Official, the official Miss Universe app as seen in App Store


"Malaking tulong po ito at gustong-gusto ko talagang manalo kasi gusto kong gawing regalo ito sa ating mga kababayan. Kaya maraming salamat po at mabuhay tayong lahat."

Para sa detalye kung paano bumoto, basahin dito.

Ang 69th Miss Universe ay gaganapin ngayong May 16, 2021 sa Miami, Florida.

Featured Post

Mister Grand International 2022 Michael Pelletier to visit Manila

The newly crowned Mister Grand International 2022 Michael Pelletier from Switzerland will be in Manila for the Grand Tour from January 9 to ...